2019 NATIONAL BUDGET | Kamara, nakahanda sa special session

Manila, Philippines – Bukas naman sa ilang kongresista sakaling kakailanganin ang pagsasagawa ng special session para maipasa ang 2019 proposed national budget.

Ayon kay House Minority Leader Rolando Andaya Jr. – nakahanda sila sakaling gawin ang special session sa kanilang holiday break.

Sinabi ni Andaya – nabisto nila na may inilagay na bilyun-bilyong pisong infrastructure projects ang Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi alam ng ahensya.


May nakita rin silang conflict of interest dahil may mga pinapaborang proyekto si Diokno.

Nanawagan naman si House Minority Leader Danilo Suarez kay Diokno na mag-resign na.

Naniniwala rin si Suarez na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomalya.

Una nang itinanggi ni Diokno ang alegasyon subalit pinag-aaralan na ng Kamara na magsagawa ng pagdinig kasama ang Senado ukol rito.

Facebook Comments