2019 national budget lalagdaan na ng pangulo sa susunod na linggo sa isang ceremonial signing sa Malacañang

40

Lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 National Budget sa darating na lunes, April 15.

 

Batay sa tentative Schedule ni Pangulong Duterte na ipinadala sa Media ay nakatakda sa susunod na lunes ang Ceremonial Signing ng General Appropriations Act of 2019 na gaganapin sa Palasyo ng Malacanang.

 

Wala pa namang opisyal na impormasyon kung anong oras gagawin ang aktibidad.

 

Inaasahan naman sa naturang aktibidad ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ng Senado sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto III.

 

Matatandaan na naging mainit ang usapin sa 2019 national budget na tumagal ang pagkakapasa dahil sa issue ng sinasabing pork barrel at ang paggalaw ng Kamara sa proposed budget matapos itong dumaan sa ratipikasyon na mariing inalmahan ng maraming senador.

 

Wala pa namang lumalabas na impormasyon kung ginamit ni Pangulong Duterte ang kanyang Veto Power at ibinasura ang anomang probisyon ng 2019 Budget.

Facebook Comments