2019 PMA Alumni Homecoming, huwag sanang pulitikahin

Manila, Philippines – Nakiusap ang Philippine Military Academy (PMA) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections na huwag pulitikahin ang 2019 PMA Alumni Homecoming.

Sabi ni PMA Information Officer, Lieutenant Colonel Harry Baliaga Jr., hindi nila kontrolado ang anumang pakay ng mga dadalong kandidato.

Dahil dito, nagpaalala si Baliaga na irespeto ang aktibidad sa PMA Campus Fort del Pilar.


Welcome pa rin naman aniya ang mga alumni basta at masusunod ang mga alituntunin ng PMA Alumni Association Inc.

Tinatayang aabot sa 6,000 na bisita ang inaasahang dadalo sa alumni homecoming.

Facebook Comments