Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Organizaing Committee ng 2019 Southeast Asian Games kaugnay sa paggamit ng 11 rings sa kontrobersyal na logo ng nasabing sports event.
Ayon sa panel – nirerepresenta ng labing-isang ring sa logo ang labing-isang bansang kalahok sa SEA Games.
Inayos ito para maging hugis mapa ng Pilipinas kung saan gaganapin ang biennial regional multi-sport event mula November 30 hanggang December 11, 2019.
Habang ang pag-o-overlap ng mga ring ay sumisimbolo sa pagsasama-sama at pagkakaisa ng 11 participating countries kabilang ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-leste at Vietnam.
Matatandaang umani ng kritisismo sa mga netizen ang logo dahil sa pagiging simple nito.
Facebook Comments