2019 Sea Games, pwede pa ring gawin sa Pilipinas

Sea Games – Posible pa ring matuloy ang pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Una rito, kinansela ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang hosting ng pilipinas sa 30th sea games para magamit ang pondo sa Marawi rehabilitation.

Pero sabi ni Philippine Plympic Committee Secretary-General Steve Hontiveros, pwede pa namang maghost ang pilipinas kung aaprubahan ito ni pangulong Rodrigo Duterte.


Taong 2005 nang huling mag-host sa naturang International sports event ang pilipinas na siya ring nakasungkit ng overall championship.

Facebook Comments