Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Palasyo ng Malacañang na mananalo si dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tiwala sila na magiging overwhelming ang magiging panalo ni Go sa halalan.
Tiwala din si Panelo na hindi gagamitin ni Go ang pondo ng pamahalaan sa pagtakbo sa pagkasenador dahil maraming supporters nito ang handang tumulong sa kanyang kandidatura.
Karamihan din aniya sa mga tutulong ay mga supporters ni Pangulong Duterte na tumulong na rin sa kampanya noong 2016 kaya malaki ang posibilidad na ganito din ang gawain ng mga ito kay Go.
Kaugnay niyan ay sinabi din ni Panelo na hanggang sa ngayon ay wala pang ipinapalit si Pangulong Duterte sa iniwang posisyon ni Go at sinabi din naman ng Malacañang na mas magandang hintayin nalang ang opisyal na appointment paper o ang anunsiyo ni Pangulong Duterte.