Hinimok ni Senator Grace Poe ang Commission on Audit (COA) na ilabas na ang 2020 audit report sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay para magkaroon ng malinaw na impormasyon ang mga senador kung saan gagamitin ng PhilHealth ang matatanggap na pondo na nakapaloob sa 2022 national budget.
Ayon kay Poe, maraming ospital na ang nagrereklamo dahil sa malaking utang sa kanila ng state insurer na umaabot sa bilyon-bilyong piso.
Binalaan din ng senadora ang mga pribadong ospital dahil posibleng magdulot ng hirap sa PhilHealth ang hindi nila pag-renew ng accreditation sa ahensiya.
Sa ngayon, target ng PhilHealth na mabayaran ang bilyon-bilyong pisong halaga ng reimbursement claims ng mga partner hospital bago sumapit ang Disyembre.