2020 Bar Exam, ipagpapaliban dahil sa COVID-19 pandemic

Ipagpapaliban muna ng Korte Suprema ang 2020 Bar Examinations dahil sa COVID-19 pandemic na nagresulta sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa SC, ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng 2020 Bar Examinations chairperson at para na rin mabigyan ng sapat na panahon ang korte na matukoy ang gagawing adjustments at para magkaroon ng sapat na paghahanda para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng bar exam.

Ang bagong schedule ay inaanunsyo sa hiwalay na bar bulletin na ilalabas sa June 2020 kapag naging mas maayos na ang sitwasyon.


Nadesisyunan na rin ng SC En Banc na ang susunod na bar examinations ay gagawin sa Maynila at sa Cebu City.

Facebook Comments