Target ng Kamara na maipasa ang 2020 National Budget at ilang Tax Reform Bills bago magsession break sa buwan ng Oktubre.
Nagsagawa ng small group ang Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC na kinabibilangan ng mga pinuno ng Senado, Kamara, Executive Sec. Salvador Medialdea, Finance Sec. Carlos Dominguez at DBM Acting Sec. Janet Abuel.
Dito ay napagusapan ang mga prayoridad na batas na kasabay na ipapasa sa 2020 Budget.
Ayon kay Hoise Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, susubukan nilang maipasa ang Budget sa October 5 o bago ang unang session break ng 18th Congress.
Kasabay din na target na maaprubahan bago ang bakasyon ng kamara ang panukalang dagdag na buwis sa mga alak na inaasahang magbibigay ng P33. 6 Billion na kita sa pamahalaan, ang pagtatatag ng Department of OFW at ang Citira Law o pagbibigay ng Tax Incentives sa mga negosyo.