2020 budget ng Lungsod ng Maynila, nilagdaan na ni Mayor Isko Moreno

Pirmado na nga ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance No. 8585 na nagtatakda ng 2020 budget ng Manila City government na nagkahalaga ng halos 18-bilyong piso.

 

Ang 48-percent sa nabanggit na budget o mahigit 8-billion pesos ay ilalaan sa social services.

 

Kabilang sa gagastusan nito ang social amelioration program na may mahigit 300,000 benepisaryo.


 

Kasama din dito ang mahigit 300-million pesos na pondo para sa Unibersidad de Manila at mahigit 145-million pesos para sa Pamantasang Lungsod ng Maynila.

 

Mahigit 130-million pesos naman ang pondong ibahahagi sa iba pang Manila City Schools.

 

Nasa ilalim din ng social services ang mga hakbang para sa pangangalaga sa kalikasan, pagpapanatili sa katahimikan at kaayusan ng lungsod, ang local disaster risk reduction and management efforts at pabahay.

 

Ang 23 percent naman ng pondo ng lungsod o mahigit apat na bilyong piso ay nakalaan sa General Services.

 

Kabilang naman limang pangunahing tanggapan sa manila city government na pinagkalooban ng malaking pondo ay ang Manila Department of Engineering and Public Works, Office of the Mayor, Manila Health Department, Department of Public Services at Ospital ng Maynila.

Facebook Comments