Manila, Philippines – Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na hindi na mauulit ang pagkaantala sa pagpapasa ng pambansang pondo ngayong 18th Congress.
Mababatid na nabinbin ng husto ang pagkakapasa sa 2019 national budget dahil sa pagtatalo ng mga mambabatas sa mga isinisingit na pondo sa budget.
Ayon kay Ungab, iniutos na ni Speaker Alan Peter Cayetano na madaliin ang budget deliberations para maaprubahan sa oras ang pambansang pondo.
Ipinagmamalaki pa ni Ungab na sa ilalim ng kanyang chairmanship noon ay naipasa on time ang General Appropriations Act ng tatlong magkakasunod na taon.
Dagdag pa ng kongresista, galing siya sa banking sector at dahil sa kanyang background sa finance ay madali niyang nalalaman kung ano ang insertion at ang pumasa sa usual procedures.
Inaasahang isusumite ng ehekutibo ang 2020 proposed national budget sa susunod na dalawang linggo.