2020 National Budget, inaasahang pipirmahan na ni PRRD ngayong araw

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2020 National Budget ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo gayundin ng iba pang opisyal na kasama sa pagbuo ng panukalang pambansang pondo.

Hindi masabi ni Panelo kung mayroong i-ve-veto ang Pangulo ng mga probisyon sa isinusulong na National Budget.


Pero iginiit ni Panelo na sakaling may makita si Pangulong Duterte na problemadong bahagi sa budget o labag sa konstitusyon ay tiyak na hindi ito makakalusot dahil pinag-aaralan muna niya ito bago niya pirmahan.

Matatandaang mula sa ₱3.662 Trillion na 2019 budget ay umakyat sa ₱4.1 Trillion ang isinusulong na National Budget.

Kabilang sa mga mahahalagang programang popondohan nito ay ang mga sumusunod:

  • Universal Healthcare Program
  • Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
  • Rice Tariffication Law
  • of Human Settlements and Urban Development
  • National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
Facebook Comments