2020 National Census ng Philippine Statistics Authority, aarangkada na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagsasagawa ng 2020 Census of Population and Housing para sa buong buwan ng Setyembre.

Ayon kay National Censuses Services Office-in-Charge Florante Varona, nire-require ang lahat ng mga Pilipino na lumahok sa Census.

Ang nasa 140,000 na tauhan ng PSA ay magbahay-bahay para magsagawa ng survey na magtatagal ng 15 hanggang 30 minuto o maaari ding phone interview.


Tatanungin ang bawat household heads ng bilang at pangalan ng mga taong nakatira sa kanilang bahay.

Kabilang din sa mga tatanungin ay ang gender, edad, educational attainment, maging ang impormasyon ng bahay na kanilang tinitirhan tulad ng kung kanino ito pagmamay-ari o nirerentahan.

Ang resulta ng Census ay inaasahang ilalabas sa ikalawang kwarter ng 2021 at i-update nito ang bilang ng populasyon sa bansa.

Ang sinumang tatangging makilahok sa census at nagbigay ng maling impormasyon ay makukulong ng hanggang isang taon at pagmumultahin ng P100,000.

Nagbabala ang PSA sa publiko sa mga indibidwal na magpapanggap bilang PSA enumerators.

Ang lehitimong enumerators ay nakasuot ng uniporme at mayroong identifications at minsan ay sinasamahan ng mga tauhan ng mga barangay.

Facebook Comments