Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ₱4.1-trillion national budget para sa taong 2020.
22 senador ang bomoto pabor dito at walang kumontra.
Ayo kay Finance Committee Chairman Senator Sonny” Angara – kabilang sa mga pangunahing amyenda na kanilang inilapat sa proposed budget ay ang ₱32-billion increase para sa fifth tranche ng salary standardization law.
Naglaan din ang Senado ng mahigit ₱3.173-billion budget para sa dagdag sweldo ng government nurses.
Dinagdagan ng Senado ang pondo nakalaan sa Philippine General Hospital ng ₱644 million habang dinagdagan naman ng ₱150 million ang pondo ng Veterans Memorial Medical Center o (VMMC).
Sabi ni Angara, tinaasan din ng Senado ang pondo para sa Department of Health (DOH) bilang suporta sa vaccination drive.
Binigyan naman ng Senado ng ₱6 billion na budget ang last mile schools program ng Department of Education o DepEd.
Habang binigyan ng P1.158-billion increase ang budget ng State Universities and Colleges.
Naglaan naman ang Senado ng P920 million sa Philippine Army para sa pagbuo ng infantry division na tutugon sa mga banta ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Habang ang bahagi ng ibinigay na ₱1.529 billion sa Philippine National Police (PNP) ay gagamitin din sa kampanyang tuldukan ang local communist groups.
Nagpasok din ang Senado ng special provision 2020 budget na nagpapahintulot na ang sobra sa koleksyon mula sa rice tariff ay itutulong sa mga magsasakang naapektuhan ng pagbaha ng imported na bigas sa bansa.