Posibleng hindi matuloy hanggang sa huling bahagi ng taon ang 2020 Tokyo Olympics
Batay sa kasunduan ng Tokyo at ng International Olympic Committee (IOC), dapat maisagawa ang sporting event sa loob ng kasalukuyang taon.
Pero dahil sa banta ng COVID-19, posibleng may mangyaring postponement.
Gayunman, ayon kay Minister Seiko Hashimoto, ginagawa nila ang lahat para masiguro na matutuloy ang olympics batay sa plano.
Hinikayat din ni IOC President Thomas Bach ang mga atleta na ipagpatuloy ang kanilang preparasyon para sa olympics.
Idaraos ang 2020 Tokyo Olympics mula July 24 hanggang August 9.
Facebook Comments