Tinambakan ng Philippine Women’s National Football Team ang Mongolia, 5-1 para sa ikatlong sunod nitong panalo sa 2020 Women’s Olympic Tournament Asian Qualifiers sa Hisor, Tajikistan.
Muling umiskor ng hat trick si Shelah Cadag para pangunahan ang mga Pinay footballer para manatiling malinis ang kanilang kampanya sa Olympic qualifiers.
May tig-isang goal naman sina Camille Rodriguez at Kyla Inquig para sa Pilipinas.
Naunang tinalo ng Pilipinas ang Singapore, 9-0 at ang host Tajikistan, 3-1.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments