2021 budget, dapat siguraduhing gagastusin ng tama

Iginiit ni Senator Grace Poe sa gobyerno na tiyaking gagastusin ng tama ang 2021 national budget.

Ayon kay Poe, ito ay para makamit ang layunin ng 2021 budget na matugunan ang pandemya, maibangon ang ekonomiya at mabigyan ng trabaho ang mamamayan.

Binigyang diin ni Poe na ang resulta ng paggastos sa pambansang pondo ay dapat maramdaman ng mga Pilipino lalo na yaong labis na naapektuhan ng pandemya.


Ipinunto ni Poe na hindi man maresolba ng 2021 budget ang krisis sa ekonomiya ay mahalaga ang anumang tulong na ibibigay nito.

Facebook Comments