2021 budget ng DPWH, pinapakaltasan ni Sen. Lacson

Isinusulong ni Senador Panfilo Lacson ang pag-amyenda sa ilang nilalaman ng ₱4.5 trilyon na pambansang budget para sa susunod na taon, upang mapondohan ang mga programang tutugon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Pangunahing amyenda ni Lacson, ang pagbawas ng ₱60 bilyon mula sa 2021 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na para sa multi-purpose buildings maliban lamang doon sa mga gagamitin bilang evacuation at quarantine facilities.

Kasama rin sa nasabing pondo ang mga proyektong may doble appropriations at may isyu sa right-of-way at overlapping ang pondo.


Pinapabawasan din ni Lacson ng ₱500 milyon ang budget ng National Irrigation Administration gayundin ang pondo para sa National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa nabanggit na mga halaga, ang ₱20 billion ay pinapalaan ni Lacson na pantulong sa mga Local Government Units (LGUs) na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.

Pinapabigay naman ni Lacson ang ₱12 billion pesos sa National Broadband Program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

May 8 bilyong piso naman na pinapalagay si Lacson sa health facilities enhancement program ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments