Bumaba ang 2021 economic growth forecast ng World Bank sa Pilipinas dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 at mabagal na vaccination program sa bansa.
Ayon sa Washington-based lender, mula sa 5.9% growth projection noong Disyembre, bumaba ito ngayon sa 5.5%.
Itinaas naman ng World Bank ang 2022 forecast sa ekonomiya ng Pilipinas sa 6.3% mula 6%.
Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa ASEAN members at pinakahuling nakatanggap ng bakuna sa rehiyon.
Facebook Comments