Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ₱4.5 trillion na 2021 General Appropriations Act.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinasalamin lamang nito ang kahalagahan ng aktibo at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislatura lalo na ngayon na ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino ang nakataya.
Aniya, angkop na gagamitin ng administrasyon ang resources nito para tugunan ang epekto ng pandemya sa bansa.
Pinakamalaking bahagi ng budget ay inilaan sa mga sumusunod:
– Edukasyon P708.2 bilyon
– Department of Public Works and Highways P694.8 bilyon
– Department of Health P287.5 bilyon
– Department of the Interior and Local Government P247.5 bilyon
– Department of National Defense P205.5 bilyon
– Department of Social Welfare and Development P176.7 bilyon
– Department of Transportation P87.4 bilyon
– Department of Agriculture P68.6 bilyon
– Judiciary P44.1 bilyon
– Department of Labor and Employment P36.6 bilyon
Nakapaloob rin sa budget na ito ang ₱72.5 billion para sa purchase, storage, transportation at distribusyon ng COVID-19 vaccines.