Kanselado muna ang pagdaraos ng 2021 Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), postponed muna ang summer edition ng MMFF hangga’t hindi pa nagbubukas ang mga sinehan.
Matatandaang dalawang linggo matapos payagang mag-operate ang mga sinehan sa 25% capacity ay muli itong ipinasara ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Marso matapos na makaranas ng COVID-19 surge sa Metro Manila.
Sa halip, plano ng Metro Manila Film Festival Executive Committee (MMFF EXECOM) na tutukan muna ang year-end holiday run kung saan ma hanggang June 30 ang mga producers at filmmakers na magsumite ng Letter for Intent para sa pagsali sa taunang MMFF.
Itinakda naman sa Spetember 30 ang deadline ng pagsusumite ng finished film entries habang sa October 15 iaanunsyo ang walong pelikulang pasok sa film festival.