2022 budget, pinahihimay nang mabuti sa Kamara

Iginiit ni Bayan Muna Partylist Representative Ferdinand Gaite na himayin nang husto ng Kamara ang national budget sa susunod na taon.

Bukas ay inaasahang sisimulan na ng Mababang Kapulungan ang pagdinig sa P5.024-T 2022 national budget.

Naghihinala si Gaite na ginawa ang panukalang 2022 budget para palakasin ang aniya’y “dynastic dreams” ng kampo ni Pangulong Duterte lalo pa’t inanunsyo na tinanggap na nito ang nominasyon sa pagkandidato sa pagka-bise presidente ng PDP-Laban sa darating na eleksyon.


Umaapela si Gaite sa mga kongresista na mailantad at tutulan ang lahat ng plano para sa rehimeng Duterte.

Kabilang sa umano’y mga kwestyonableng alokasyon ang lumobo pang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na P28.1-B.

Ayon pa sa mambabatas, nitong nakaraan ay ibinuhos ang nasabing pondo sa Davao City kaya’t hindi malayong mangyari ulit ito sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Gaite na dapat bantayan ang kahalintulad na mga alokasyon na maaaring abusuhin at layuning dagdagan lamang ang electoral war chest ng mga Duterte.

Facebook Comments