Hindi pa tama para pag-isipan ang nakatakdang halalan sa susunod na taon lalo na at may kinahaharap na krisis ang bansa.
Sa kanyang pagbisita sa Uswag Iloilo City Molecular Laboratory, iginiit ni Vice President Leni Robredo na wala pa siyang plano para sa susunod na eleksyon.
Dagdag pa ng Bise Presidente, marami ang naghihirap sa panahong ito kaya hindi pa napapanahon para pag-usapan ang 2022 elections.
Si VP Robredo ay nananatiling malabnaw sa kanyang mga plano sa susunod na taon sa kabila ng panawagan ng kanyang mga taga-suporta na tumakbo bilang presidente.
Una nang sinabi ni Robredo na bukas siyang tumakbo sa national o local post pero wala pa siyang desisyon hinggil dito.
Facebook Comments