2022 elections, ‘pinakamatagumpay’ – DILG

Pinalagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan noong Mayo 9.

Para sa DILG, isa sa mga maituturing na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na botohan.

Katwiran pa ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya, hindi naman suportado ng datos ang mga alegasyong nagkaroon ng dayaan.


Aniya, ang 1,800 na hindi gumanang vote counting machines ay wala pang isang porsiyento ng kabuuang bilang ng VCM na ginamit sa buong bansa.

Dagdag niya, sinukat ang tagumpay ng halalan hindi lamang sa mismong araw ng botohan kundi maging sa buong election period.

Samantala, sa ngayon ay nasa 20 validated election-related incidents na ang naitala ng PNP sa nakalipas na halalan na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na eleksyon.

Facebook Comments