2022 national budget, dapat bantayan para hindi magamit sa eleksyon

Hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mamamayang Pilipino na bantayang mabuti ang pambansang pondo para sa susunod na taon para hindi magamit sa darating na eleksyon.

Nangako rin ni Drilon na hindi niya papalusutin sa pagtalakay ng national budget ang anumang anyo ng pork barrel.

Umapela rin si Drilon sa mga economic manager na huwag hayaang magamit ang pera ng taumbayan sa ambisyong pampolitika ng kahit na sino.


Diin ni Drilon, napakahalaga ng pondo para sa susunod na taon para sa pagbangon ng ekonomiya.

Giit ni Drilon, kailangang magamit nang tama ang pambansang pondo upang matugunan ang resulta ng kahinaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic tulad ng kawalan ng trabaho, gutom at paghina ng ekonomiya.

Facebook Comments