Inaasahang maaaprubahan na ngayong araw ang House Bill 10153 o ang 2022 General Appropriations Bill.
Ito’y matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024 trillion na 2022 national budget.
Matatandaang nagbigay ng commitment si Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na aaprubahan nila sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ang pambansang pondo ngayong araw bilang paghahanda sa nakatakda nilang session break bukas, October 1, para naman sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Samantala, kalakip naman ng mensahe ng pangulo sa Kongreso ang pangangailangan para sa agarang pagsasabatas ng panukalang pondo upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno.
Ngayong araw, nakatakdang sumalang sa deliberasyon ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DEPED), National Commission on Senior Citizen, Presidential Communications Operations Office (PCOO), Congress of the Philippines at Office of the President (OP).