2022 National Budget, pirmado na ni Pangulong Duterte

Nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang proposed P5.024 trillion na 2022 National Budget.

Una nang sinabi ng Palasyo na malaking papel ang gagampanan ng 2022 budget sa nagpapatuloy na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Malaking bahagi ng pondo o P50 billion dito ang inilaan para sa COVID-19 vaccines, habang P22.99 billion naman para sa pagpapaigting ng health facilities.


Matatandaang sinabi rin ng Malacañang na pinag-aralang mabuti at dumaan sa proseso ang budget, bago ito nilagdaan ng pangulo.

Samantala, ayon sa pangulo, ang paglagda sa 2022 General Appropriations Act ay patunay nang commitment ng pamahalaan upang magkaroon ng mas magandang buhay ang lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na makakatulong sa ating recovery & rehabilitation.

Ang P5.024 trillion pondo para sa susunod na taon ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng ating bansa at ito rin ang huling budget sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments