2022 national budget, tiniyak ng Kamara na maaaprubahan “on time”

Tinitiyak ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na maaaprubahan sa itinakdang panahon ang panukalang 2022 national budget.

Ayon kay Yap, pasok pa rin sa itinakdang schedule ang pagtalakay nila ng ehekutibo patungkol sa budget para sa susunod na taon kaya naman kumpyasa siyang mapagtitibay “on time” ang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa hiwalay namang text message, sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na nasa Final Executive Budget Review na ang 2022 National Expenditure Program (NEP).


Aminado naman ito na kailangan nila ng palugit para maisumite ang proposed 2022 national budget sa Kongreso ngunit pasok pa rin aniya ito sa time frame na itinatakda ng batas.

Mayroon namang tatlumpung (30) araw ang Development Budget Coordinating Committee (DBCC) simula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso para maisumite sa Kamara ang 2022 NEP.

Facebook Comments