2023 Bar exam, itinakda ng Supreme Court sa Setyembre

Itinakda ng Korte Suprema sa Setyembre ang 2023 Bar examinations.

Mananatiling digitalized at regionalized ang pagsusulit na gaganapin nang tatlong araw sa September 17, 20 at 24 ng susunod na taon.

Ayon sa Office of the Bar Chair, praktikal at “societal” ang maagang paglulunsad ng bar exam dahil mas maaga ring mailalabas ang resulta nito.


Ibig sabihin, sa December 2023 pa lang ay makapagtatrabaho na bilang abogado ang mga bar passer.

Ang 2020-2021 bar exam ang kauna-unahan na ginanap “digitally” noong Pebrero matapos na dalawang taon itong na-delay dahil sa pandemya.

Sa 11,402 law graduates na kumuha ng bar exam, 8,241 ang nakapasa.

Habang 9,800 ang kumuha ng pagsusulit sa 2022 bar exam noong Nobyembre.

Facebook Comments