2023 budget ng DOT, aprubado na sa finance committee ng Senado; tourism industry, inaasahang mas lalakas pa

Lusot na sa Senate Committee on Finance ang ₱3.5 billion 2023 budget ng Department of Tourism (DOT).

Sa inaprubahang pondo ng DOT, ₱3.29 billion ang alokasyon para sa Office of the Secretary, ₱63 million para sa Intramuros Administration, ₱204.6 million sa National Parks Development Committee at ₱9.5 million para sa Philippine Commission on Sports Scuba Diving.

Wala namang pondo para sa capital outlay ang ahensya.


Kumpyansa naman si Tourism Secretary Christina Frasco na mas lalakas ngayon ang tourism industry sa tulong na rin ng Kongreso.

Samantala, mula nang magbukas ang leisure travel ng bansa sa mga turista noong Pebrero, umabot na sa mahigit 1.6 million ang international travelers na bumisita sa Pilipinas.

Malayo ito kumpara sa naitala noong 2021 na 163,879 international tourist arrivals noong 2021.

Dahil dito, tiwala ang Kalihim na malalagpasan pa ang target na 1.7 million tourists sa Disyembre.

Nangunguna naman sa tourist arrivals ng bansa ang United States na nasa 315,279; South Korea- 220,402; Australia- 77,249; Canada- 70,159; at UK- 63,533.

Facebook Comments