2023 budget, titiyakin ng Kamara na magbabangon sa ekonomiya sa gitna ng pandemya

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tutugon sa pagpapasigla at pagbagon ng ekonomiya sa gitna ng pandemya ang proposed 2023 national budget.

Sinabi ito ni Romualdez sa pagsisimula ng pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.268 trillion.

Tiwala rin si Romualdez sa galing at kakayahan ng mga miyembro ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para dalahin ang ating bansa tungo sa kaunlaran.


Diin ni Romualdez, titiyakin ng kongreso na bawat sentimo sa 2023 budget ay mailalaan sa mga proyekto at programa na makapagsasalba sa buhay ng mga Pilipino, mag-aahon at magbibigay proteksyon sa bawat komunidad at magpapatatag sa ating ekonomiya.

Facebook Comments