Tiwala si House Martin Romualdez na ang pag-apruba ng bicameral conference committee sa panukalang P5.268 trillion 2023 national budget ang titiyak sa pagtahak ng bansa sa direksyon tungo sa pag-unlad.
Walang duda para kay Romualdez na ang bicam version ng 2023 budget ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at eight-point socioeconomic program ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Romualdez, ang 2023 budget ay siguradong maghahatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan at magpapabilis sa paglago ng ating ekonomiya.
Nakakatiyak si Romualdez na dahil sa pamamagitan nito ay nakakamit natin ang pahayag ng Moody’s Investor Service na ang Pilipinas ay magiging best economic performer sa Asia-Pacific region sa susunod na taon.
Una nang ginarantiyahan ni Romualdez na bago ang Christmas recess ng Kongreso sa December 17 ay maipapasa na ang panukalang 2023 budget.
Sabi ni Romualdez, ito ay para sa pagpasok ng susunod na taon ay masimulan na agad ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng pondo para sa mga ahensya ng gobyerno na siyang magpapanatili sa paangat na galaw ng ekonomiya.