2023 proposed budget ng DOJ, lusot na sa House Committee on Appropriations

Wala pang isang oras ay tinapos ng House Committee on Appropriations ang pagdinig sa panukalang 2023 budget ng Department of Justice (DOJ) na nagkakahalaga ng ₱26.686 billion na mas mataas sa ₱25 billion na pondo nito ngayong 2022.

Tinapos agad ang pagdinig sa budget ng DOJ bilang kortesiya kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dating kongresista at naging lider ng Kamara kaya ang ibang mambabatas ay magtatanong na lamang dito kapag inakyat ang DOJ budget sa plenaryo ng Kamara.

Sa budget briefing ay humingi ng update si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ukol sa umano’y extrajudicial killings gaya ng tinaguriang “Bloody Sunday” kung saan ilang indibidwal ang pinatay sa Calabarzon noong March 2021.


sagot naman ni Remulla, nakakalungkot ang naturang insidente na pinasisiyasat na niya sa National Bureau of Investigation kay ding binanggit na mahirap maghanap ng mga testigo sa insidente kaya kung may lulutang ay handa ang DOJ na protektahan sila.

Sabi naman ni DOJ Undersecretary Brigido Dulay, kaugnay sa “Bloody Sunday” ay mayroon nang kasong murder na naisampa sa Office of the Prosecutor laban sa 30 opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang sumasailalim sa preliminary investigation.

Nangako rin si Dulay na magpapadala ang DOJ sa Kamara ng iba pang update ukol sa kaso.

Facebook Comments