2023 TAPAT AWARDS RITES, INILUNSAD NG DSWD FO2

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng DSWD Field Office 2 ang 2023 TAPAT Awards Rites bilang pagkilala sa mga lokal na pamahalaang nagpatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s, na ginanap sa Crown Pavillion, Tuguegarao City, Cagayan.

Nasa 52 LGU’s mula sa probinsya ng Isabela, Cagayan, Quirino, at Nueva Vizcaya ang nabigyan ng pagkilala dahil sa pagkamit ng Level 3 functionality sa isinagawang assessment ng Tulong Angkop sa Pantawid (TAPAT) para sa taong 2023.

Bawat kinatawan ng nabanggit na probinsya ay nagbigay ng mensahe at ipinangako ang patuloy na pagsuporta sa 4P’s.


Matatandaan na nagsagawa ng TAPAT validation ang Kagawaran sa 87 na munisipalidad noong ika-18 hanggang 23 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Samantala, binigyang diin naman ni DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat LGU sa implementasyon ng nasabing programa.

Facebook Comments