2024 Bar Exams, umarangkada na ngayong Linggo ng umaga

Nagsimula na ngayong araw ang 2024 Bar Examinations.

Nasa kabuuang 12,246 na law graduates ang nagparehistro para kumuha ng tatlong araw na pagsusulit na isasagawa sa 13 testing centers nationwide.

Kaugnay nito, mula pa kagabi ay mayroon nang umiiral na liquor ban sa mga paligid ng testing centers.


Nagpatupad din ng road closures sa ilang kalsada sa Metro Manila na tatagal hanggang alas-7 ng gabi.

May anim na core subjects ang bar exams na kinabibilangan ng Political and Public International Law, Commercial and Taxation Laws, Civil Law, Labor Law and Social Legislation, Criminal Law, Remedial Law, at Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises.

Idaraos ang Bar Exams sa pamamagitan ng Examplify, isang secured computer based program na naka-download at naka-install na sa laptop ng examinee.

Hindi naman papayagan sa loob ang paggamit ng smartphones, tablets, computer accessories at iba pang katulad na device.

Nakasaad naman sa rules na may ipapataw na disqualification of disciplinary sanction sakaling mahuli na nandadaya o nagpapakopya.

Samantala, bukod ngayong araw ay isasagawa rin ang exams sa September 11 at 15.

Facebook Comments