2024 budget ng hudikatura, tinaasan ng pamahalaan

Tinaasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo ng hudikatura para sa susunod na taon.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, itataas sa ₱58 billion and budget ng hudikatura mula sa kasalukuyang ₱55 billion na pondo.

Sa naturang halaga, ₱27.65 billion dito ang nakalaan sa adjudication program ng Korte Suprema, mababang korte, Sandiganbayang, Court of Appeals, at Court of Tax Appeals.


Habang ₱4.19 billion naman ang nakalaan para konstruksyon at pagkukumpuni ng mga hall of justice sa buong bansa.

Nais din aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging mahusay at epektibo ang pangangasiwa ng hustisya sa bansa.

Dagdag pa ni Pangandaman, malaki ang maitutulong ng dagdag na pondo para sa mga reporma sa hudikatura.

Facebook Comments