2024 budget para sa Department of Tourism, pinatataasan ng ilang mambabatas

Ipinag-alala ng mga mambabatas na ₱2.6-B lamang ang pondong nakalaan para sa Department of Tourism (DOT) para sa susunod na taon na mas mababa ng 20% kumpara sa ₱3.4-B na budget nito ngayong 2023.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, hind nararapat ang tapyas sa budget ng DOT lalo’t bumabangon pa ito mula sa pandemya at nagsusumikap na maitaas pa ang bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa.

Sabi naman ni Bohol Rep. Edgar Chatto, ang ibinabang budget para sa DOT ay maaring makadiskaril sa mga hakbang na nagsimula ng magpasigla muli sa turismo na ramdam hanggang sa local government levels.


Maging si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ay nakikiusap din sa mga kasamahang mambabatas na dagdagan o ipantay sa kasalukuyang budget ang pondo ng DOT para sa susunod na taon.

Facebook Comments