CAUAYAN CITY – Sinimulan na sa Bayan ng Quezon, Isabela ang pagsasagawa ng 2024 Population Census (PopCen) at Community-Based Monitoring System (CBMS) para sa buwan ng Hulyo ngayong taon.
Nagkaroon ng oryentasyon sa mga enumerators bilang paalala sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat nilang gawin habang nagsasagawa ng census.
Ang mga mahahalagang datos na makokolekta ay magiging batayan ng ahensya para sa mga programa, plano, at polisiya ng pamahalaan.
Sa mga susunod na araw ay mag-iikot na ang mga enumerators sa bawat barangay ng naturang bayan.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa kautusan ni President Ferdinand Marcos na i-update ang listahan ng mga benepisyaryo ng social protection programs sa tulong ng CBMS.
Facebook Comments