2024 PRIDE MONTH, ISINAGAWA SA BAYAN NG JONES, ISABELA

Cauayan City – Makukulay at malikhaing mga kasuotan ang bumida sa selebrasyon ng Pride Month ngayong taon sa bayan ng Jones, Isabela.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang parade na sinundan naman ng iba’t-ibang aktibidad na nilahukan rin ng mga miyembro ng LGBTQIA+.

Ilan lamang sa mga aktibidad na isinagawa ay ang creative costume competition, laro ng lahi habang nakasuot ng heels, volleyball, at basketball habang naka-sexy outfit.


Samantala, nakatanggap rin ng cash prizes ang lahat ng mga nanalo sa mga aktibidad.

Facebook Comments