2025 budget, iginit na dapat makatugon na sa climate change

Pinatitiyak ni Senate President Chiz Escudero na makatutugon sa climate change ang P6.352 trillion na 2025 national budget.

This slideshow requires JavaScript.

Ito ang iginiit ni Escudero matapos makita ang pangangailangan sa pananalasa ng Bagyong Kristine at mga sumunod na kalamidad na nagiwan na malaking pinsala sa kabuhayan, imprastraktura at pagkawala ng buhay ng mga kababayan.


Ipinunto ni Escudero na dahil sa nangyayaring pagbabago sa panahon ay dapat na mag-adapt at gawing updated ang disenyo ng mga itinatayong imprastraktura na pampigil sa baha.

Hindi na aniya uubra ang iisang sukat para sa lahat ng flood control projects at dapat na iakma ang kapal at taas ng tulay, kalsada at seawall sa kung saang lugar ito itatayo.

Sinabi pa ng senador na mahalagang may sapat na pagaaral tungkol sa klase ng flood control dahil depende sa uri ng ilog at dagat ang sinusubukan na kontrolin upang hindi na lumala ang pagbaha.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na hindi lang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hihingan ng updated na plano at disenyo kundi kasama na rin dito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Climate Change Commission at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments