2025 mid-term Elections, pinaghahandaan na ng PNP

Puspusan ang ginagawang paghahanda ngayon ng Philippine National Police o PNP apat na buwan bago magsimula ang paghahain ng kandidatura para sa 2025 mid-term Elections.

Layon umano nito upang malansag agad ang mga Private Armed Group, sindikato ng iligal na droga at mapigilan din ang pagkalat ng mga loose firearm.

Kasunod nito, inatasan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga commander nito sa ground na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga ituturing na “hotspot” areas


Palalakasin din ng PNP ang Community Awareness Programs nito upang mahikayat ang publiko na magsumbong ng mga kahina-hinalang aktibidad.

Dahil dito, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na magdaragdag sila ng mga pulis sa matutuloy na election areas of concern ng Comelec.

Facebook Comments