2025 midterm elections, magiging laban ng Marcos vs Duterte —UP Professor

Naniniwala ang isang University of the Philippines professor na magiging dikdikan ang laban sa 2025 midterm elections.

Kasunod ito ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kapihan sa QC, sinabi ni Professor Danilo Arao na asahan na ang laban ng north vs south sa halalan sa susunod na taon dahil sa kampo nina Pangulong Marcos at ng mga Duterte.


Hindi aniya dapat baliwalain ang mga Duterte na may impluwensiya pa rin kahit wala na sa administrasyon.

Inihalimbawa ni Arao ang sitwasyon ng kontrobersiyal na si pastor Apollo Quiboloy na hindi pa rin mahanap at maaresto hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, kaugnay naman sa pagbibitiw ni Duterte sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, naniniwala si Arao na dapat na tuluyan na itong buwagin dahil nakilala lamang ang task force sa pangre-red-tag.

Facebook Comments