Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, December 30, ang panukalang 2025 National Budget.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), gaganapin ang ceremonial signing ng General Appropriations Act 2025 mamayang alas-9:00 nang umaga sa Malacañang.
Dadaluhan ito nina Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, Finance Secretary Ralph G. Recto, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan, Senate President Chiz Escudero, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Una nang sinabi ng pangulo na lalagdaan nya ang higit ₱6 trillion na budget bago matapos ang taon, at hindi na magkakaroon ng reenacted budget.
Nitong mga nakalipas na araw, puspusan ang ginawang pagbusisi ng pangulo kasama ang kanyang mga economic manager sa national budget, partikular sa mga insertion na hindi kasama sa original na budget request.