2025 national budget, may sapat pang panahon para hindi mauwi sa reenacted budget

Iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi naman kailangang mauwi sa reenacted budget ang 2025 national budget.

Sinabi ni Sen. Marcos na bagama’t mas bukas siya sa reenacted budget, hindi naman kailangang humantong sa ganito ang pambansang pondo.

Aniya, kaya namang habulin ang pag-apruba ng national budget dahil may sapat na araw pa naman ang Kongreso para rito.


Dagdag ni Sen. Marcos, hindi naman ganoon katagal ang delay kung ibabalik ang pambansang pondo sa bicam.

Naniniwala rin ang mambabatas na kapag binalik ang budget sa bicam ay tanging tututukan lamang dito ang mga kontrobersyal na items at pagbabatayan ang nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).

Facebook Comments