2025 national budget, target lagdaan sa December 30

Lalagdaan na ang 2025 General Appropriations Act o ang 2025 national budget bago matapos ang taon.

Sa ibinahaging advisory ni Senator Imee Marcos, isasagawa ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial signing para sa pambansang pondo sa December 30, ganap na alas 9:30 ng umaga sa palasyo ng Malakanyang.

Inaasahang dadaluhan ng mga senador at kongresista ang ceremonial signing ni Pangulong Bongbong Marcos sa national budget.


Matatandaang unang sinabi ni Sen. Marcos na mas bukas siya na magkaroon ng reenacted budget kumpara sa maipasa ang aniya’y very bad budget.

Maliban sa target na malagdaan ang pambansang pondo, wala nang ibang detalye na binanggit ang senadora.

Facebook Comments