2025 parliamentary elections sa BARMM, magiging bukas sa lahat ng relihiyon

Magiging bukas para sa lahat ng relihiyon ang nalalapit na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BARMM Spokesperson Mohn Asnin Pendatun, tanging ang mga plataporma ng mga kandidato at mga partido na lalahok sa kauna-unahang parliamentary elections ang kanilang pinagbabatayan.

Ibig sabihin, Muslim man o hindi ay magkakaroon reserved seats ang mga miyembro ng parliament.


Partikular ang ang sektor na hirap na makakuha ng kinatawan o boses sa BARMM.

Kabilang na aniya dito ang mga Christian settlers sa rehiyon, mga kabataan, at iba pang traditional leaders.

Dapat umanong balansehin ng political leaders ang pagpreserba sa religious freedom at inclusivity na nakapaloob sa BARMM Organic Law.

Facebook Comments