
Isinulong nina Representatives Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party list at Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist na tapyasan ang P902.8 million na panukalang 2026 budget para sa Office of the Vice President (OVP).
Hirit ito ng dalawang kongresista, makaraang tatlong beses na hindi siputin ni Vice President Sara Duterte ang budget deliberations sa plenaryo ng Kamara.
Ang ginawa ni VP Sara para kay Congresswoman ay insulto at pambabastos sa Kamara bilang institusyon, gayundin sa konstitusyon na batayan ng proseso ng pagbusisi at pagpasa ng Kongreso sa taunang pambansang budget.
Kinokondena din ni Rep. Tinio ang pambabastos ni VP Sara sa taumbayan sa pagtanggi nitong manindigan at magpaliwanag kaugnay sa hinihinging budget ng OVP.
Ayon kay Tinio, dapat ay ibaba sa P198.8 million lang ang 2026 budget ng OVP na sapat lang pansweldo sa mga empleyado nito.









