
Ipinagmalaki ni Senate President Vicente Sotto III na ang 2026 national budget ang pinakamalinis na budget sa kasaysayan ng bansa simula noong 1992.
Ayon kay Sotto, kahit noong umiiral pa ang Countrywide Development Fund mula 1992 hanggang 1998, limitado lamang ang maaaring amyendahan ng mga mambabatas—P75 milyon para sa mga kongresista at P200 milyon para sa mga senador.
Inamin naman ni Sotto na kahit noon ay may mga pagkakataon pa ring napapasukan ng korapsyon ang pondo.
Samantala, tiniyak niya na hindi papayagan sa Bicameral Conference Committee ang pagsisingit ng anumang uri ng “pork barrel” at ghost projects.
Nagbilin na rin aniya siya kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sherwin Gatchalian na kung ano lamang ang napag-usapan sa budget deliberations ng Senado at Kamara ang siyang pagdedebatehan sa bicam.









