2026 national budget, agad na isusumite sa opisina ng Pangulo matapos ratipikahan sa Dis. 29

Kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na matapos ang ratipikasyon ng 2026 national budget sa Disyembre 29, ay agad nilang isusumite ang enrolled copy nito sa opisina ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nauna nang sinabi nina Gatchalian at Senate President Tito Sotto III na ang enrolled bill ng 2026 General Appropriations Bill (GAB) ang raratipikahan sa susunod na Lunes at handa na itong isumite sa Malacañang.

Samantala, sinang-ayunan ni Gatchalian ang pahayag ni Executive Secretary Ralph Recto na posibleng sa Enero 5 pa lagdaan ni PBBM ang budget upang tuluyan itong maging batas, dahil kailangan pa itong i-review ng Pangulo.

Para sa senador, tama lamang na itakda sa unang linggo ng Enero ng susunod na taon ang pagpirma sa pambansang pondo upang matiyak na ang bawat probisyon ay masusing napag-aaralan.

Batid din niyang mangangailangan ng sapat na panahon ang Pangulo upang marebyu ang mahigit apat na libong pahina ng enrolled copy ng budget bill.

Facebook Comments