
Niratipikahan na ng Senado ang ₱6.793 trillion na 2026 national budget.
Maituturing na makasaysayan para kay Senator Sherwin Gatchalian ang pagkaka-apruba at pagratipika sa 2026 budget dahil ngayon lamang nangyari na umabot ng December 29 ang ratipikasyon ng 2026 General Appropriations Bill (GAB).
Agad namang isusumite ngayong hapon ng Mataas na Kapulungan ang niratipikahang bicam report ng 2026 budget.
Binigyang highlight ni Gatchalian sa kanyang speech ang budget sa edukasyon na siyang pinakamataas sa susunod na taon na aabot ng ₱1.35 trillion.
Tiniyak din ng senador ang paglalagay ng safeguards sa budget upang matiyak na ang bawat piso sa pondo ay mapupunta sa nararapat na purpose o layunin nito.
Nagpasalamat naman si Gatchalian sa kanyang Vice Chairman ng Finance Committee na si Senadora Loren Legarda sa paggabay sa kanya at nagpasalamat din sa mga miyembro ng bicam panel sa Mataas na Kapulungan.










